Recent Posts

Breaking News

Papel ng ‘big brother’ sa LGU pinasisiyasat

Pinaiimbestigahan ni Senadora Risa Hontiveros sa Senado ang hakbang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pagtalaga ng mga Cabinet secretary sa lungsod sa Metro Manila at kalapit na probinsya para imonitor ang kanilang pandemic response.

“This is toxic micromanagement. There are even reports that cabinet members intervene at the barangay level,” pahayag ni Hontiveros sa isang statement.

“The IATF members, while arguably experts in their respective fields, are not experts nor do they have any experience in health system performance, critical care capacity, and surveillance, isolation, and treatment protocols. Baka sila pa nga ang turuan ng mga mayor,” dagdag nito.

Sa inihain nitong Senate Resolution No. 495, nais ng senadora na paimbestigahan sa Senado, in aid of legislation, ang IATF Resolution No. 62 na nagtatalaga sa IATF member-Cabinet secretaries sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa Metro Manila, gayundin sa Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Ayon kay Hontiveros , hindi aniya tama ang hakbang ng IATF lalo na’t ang task force ay nabahiran na ng kontrobersiya sa kanilang mga policy decision at mga pronounce ment, paglabas na hindi tamang datos at maging sa pagbili ng maanomalyang procurement-related transactions.

“The members of the IATF, many of whom have no background in local governments or pandemic response, are unnecessarily overstepping. What the LGUs need is a coherent national COVID management strategy, not undue interference,” sabi nito.

Kinuwestiyon din ni Hontiveros ang rationale sa pagpili ng gabinete na itinalaga sa kanilang LGUs partikular si Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga sa Pasay City at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Bakit si Sec. Harry Roque naka-assign sa Pasay? Shouldn’t he be focusing on his job as a presidential spokesperson? At bakit si Sec. Duque sa Quezon City, when as Secretary of the Department of Health, he should be overseeing the overall management of the COVID-19 response?” tanong ni Hontiveros.

“At bakit pagkatapos i-assign si Sec. Nograles sa Quezon City din, sinabi niya na ang mga residente ng QC ay maaaring sumali sa clinical trials ng vaccine galing sa Russia? Iyan ba ang plano nila? Mukhang wala namang datos o siyensiya sa pagdesisyong ito,” dagdag pa nito.

“Sana huwag mawalan ng kumpiyansa ang ating mga mayor dahil sa walang basehan na panghihimasok na ito. Kitang-kita naman ng publiko ang mga inisyatibo na pinangunahan ng mga LGU. Sa katunayan, ang mga proyekto at programa ng mga lokal na pamahalaan ang mas naramdaman ng mga kababayan natin ngayong may krisis,” diin pa ng senadora.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/papel-ng-big-brother-sa-lgu-pinasisiyasat/)

Walang komento