Recent Posts

Breaking News

Panukalang RevGov mapanganib na eksperimento – Recto

Isa na umanong “cease-and-desist” order ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga nananawagan ng pagtatag ng isang revolutionary government.

Ito ang reaksiyon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kasabay ng pagkastigo sa aniya’y ‘dangerous experiment’ na sinusulong ng mga supporters ng pangulo.

Nauna nang tinutulan ng Pangulo ang panawagan at sinabing wala umano siyang kaugnayan sa grupo.

“Wala akong pakialam diyan, wala akong kilala sa mga tao na yan at hindi ko yan trabaho,” sabi ni Duterte sa isang speech.

Reaksiyon naman ni Recto, “The President has spoken. It should be read as a cease-and-desist order in big, bold letters by those pushing for this dangerous experiment,” sabi ng senador.

Binigyang-diin nito na ang dapag gawin ng gobyerno ay magpokus sa pagdemya at hindi ang pagsulong ng revolutionary government.

“A RevGov is not a vaccine against the virus. But a revved up government is what we need to fight the pandemic,” ani Recto.

“Stick to the Constitution. It may have some bad components, but it remains the best app for the rule of law,” sambit pa nito.

The post Panukalang RevGov mapanganib na eksperimento - Recto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panukalang-revgov-mapanganib-na-eksperimento-recto/)

Walang komento