Recent Posts

Breaking News

Pangilinan: VP Leni nagbibigay-solusyon, hindi sinisira ang gobyerno

Dinipensahan ni Senador Francis Pangilinan si Vice President Leni Robredo laban sa patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang gatungan ang tao hinggil sa kakulangan ng gobyerno sa kanilang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa senador, nagbibigay lang ng solusyon si Robredo at hindi nito sinisira ang gobyerno gaya ng paratang ng Pangulo.

“VP Leni was providing solutions to the terribly mismanaged COVID-19 pandemic response,” sabi ni Pangilinan sa isang statement.

“Hindi ito ‘destroying the government’. Nagbibigay siya ng solusyon dahil palpak ang pamahalaan. Nagbibigay siya ng solusyon dahil napakarami pa lalo ngayon ang nagkakasakit at milyon na ang nawawalan ng trabaho,” dagdag pa nito.

Noong Lunes ng gabi, inireport ni Robredo ang kanyang rekomendasyon kung paano maisasaayos ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Sa huling bahagi ng kanyang talumpati, pinitik ni Robredo ang gobyerno sa pagsabing gagawa ng paraan ang tao na malagpasan ang krisis kahit na walang mamuno sa kanila.

Sabi ni Pangilinan, hindi ang mga rekomendasyon ni Robredo ang sumisira sa gobyerno kundi ang kapalpakan ng namumuno at korapsiyon ang sumisira sa pamahalaan.

“Mga mungkahi ba ni VP ang gumigiba sa gobyerno? O ang malawakang kapalpakan at pangungurakot?” tanong ni Pangilinan.

“It is not VP Leni’s words, but Duterte and Duque’s failure to address the incompetence and the massive corruption that is destroying the government,” sambit pa nito.

The post Pangilinan: VP Leni nagbibigay-solusyon, hindi sinisira ang gobyerno first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangilinan-vp-leni-nagbibigay-solusyon-hindi-sinisira-ang-gobyerno/)

Walang komento