Recent Posts

Breaking News

Pangilinan: Band-aid solution ‘di sapat sa mga kurakot sa gobyerno

Hindi ‘band-aid solution’ kundi dapat ipa-surgery ng gobyerno ang mga mga tanggapan na gobyerno kabilang ang PhilHealth Health Insurance Corp (PhilHealth) na talamak diumano ang katiwalian, ayon kay Senador Francis Pangilian.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos italaga si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) Chief Operating Officer (COO) Arnel de Jesus bilang officer-in-charge.

Itinalaga ni Duterte si De Jesus sa puwesto matapos magbitiw si retired Brig. Gen. Ricardo Morales kasunod ng imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole sa diumano’y malawakang korapsyon sa State health insurance agency.

Tinanggap naman ni Duterte ang resignation ni Morales na may sakit lymphoma.

Pero giit ni Pangilinan, ang hirit ng publiko ay palitan si Inter-Agency Task Force (IATF) at Health Secretary Francisco Duque III, ang nangunguna sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

‘’The public clamor is for a surgery of the cancer that is corruption not just in PhilHealth, but in the government offices responsible for the procurement of overpriced and sometimes ineffective medical equipment, devices, and supplies,’’ sani Pangilinan.

Pero sa kabila ng panawagang pagbibitiw, patuloy pa rin ang pagtitiwala ng pangulo kay Duque, na ex-officio chairman rin ng PhilHealth Board of Directors.

Sa kabila ng halos anim na buwan na pamumuno ni Duque sa giyera kontra pandemya, patuloy pa rin ang pagdami ng kaso na ngayo’y umabot na sa 200,000 mark.

‘’Mag-aanim na buwan na simula nang ideklara ang health emergency. Milyon-milyon na ang nawalan ng trabaho. Bilyon-bilyon pa ang ninanakaw sa kaban ng bayan. Bakit parang band-aid lang ang lunas?’’ tanong ni Pangilinan.

The post Pangilinan: Band-aid solution 'di sapat sa mga kurakot sa gobyerno first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangilinan-band-aid-solution-di-sapat-sa-mga-kurakot-sa-gobyerno/)

Walang komento