Recent Posts

Breaking News

Pangarap ni Morente unti-unting natutupad

HABANG hindi pa sumasabak sa hard court si volleybelle Michelle Morente, pokus muna ito sa pag-abot sa iba pa niyang pangarap.

Bukod kasi sa pagiging isang tanyag na balibolista, nasa wish list din ng dating La Salle Lady Spiker na magtayo ng sariling negosyo.

Dahil pursigido, matagumpay na naitayo ni Morente ang kanyang sariling clothing line na pinangalanan nitong ‘Rainbow Sheep Clothing’.

“Building my own clothing line was a dream of mine even before I started college,” saad ni Morente.

Kahit nagduda ay tiwala ang naging susi ng dalaga.

“Here I am, chasing my dream. Step by step. Tbh, it was hard. I doubted myself if kaya ko. Pero need ko lang magtiwala sa sarili ko na kayang kaya. KAYA THERE YA GO! RAINBOW SHEEP CLOTHING.”

The post Pangarap ni Morente unti-unting natutupad first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangarap-ni-morente-unti-unting-natutupad/)

Walang komento