Recent Posts

Breaking News

Pamilya ng 14 Pinoy na nawala sa ship collision, tatanggap ng tig-P1M

Tatanggap umano ng tig-isang milyong piso ang mga kamag-anak ng 14 Pinoy na nawala matapos mabangga ang sinasakyang bangka, mula sa nakabanggang Hong Kong cargo vessel.

Sabi ito ni Philippine Coast Guard commandant Admiral George Ursabia ngayong Huwebes.

“Kahapon, nandito ang may-ari ng FV Liberty Singko para ibalita sa amin na nagkasundo na sila ng may-ari ng MV Vienna Wood na magkaroon na sila ng settlement for damages incurred,” aniya sa isang virtual briefing.

Samantala, tatanggap din ang may-ari ng FV Liberty Singko–ang Irma Fishing and Trading Corporation–nang P40-milyong settlement mula rin sa MV Vienna Wood para sa gastos sa nasabing bangka.

Nangyari ang banggaan sa karagatan ng Occidental Mindo noong alas-diyes ng gabi, Hunyo 27.

Tinigil ang paghahanap sa 12 crew at 2 pang empleyado na sakay ng Filipino fishing vessel, Hulyo 7.

Samantala, naglabas na ng hold departure order ang korte laban sa mga tauhan ng MV Vienna Wood para matiyak na mananatili ang mga ito sa kustodiya ng Pilipinas.

The post Pamilya ng 14 Pinoy na nawala sa ship collision, tatanggap ng tig-P1M first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pamilya-ng-14-pinoy-na-nawala-sa-ship-collision-tatanggap-ng-tig-p1m/)

Walang komento