Recent Posts

Breaking News

Palasyo: Press freedom nirerespeto ng Duterte admin

Giniit ng Palasyo na kinikilala ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang freedom of the press.

Ito’y matapos lumabas ang Social Weather Stations survey kung saan 51 percent ng mga Pinoy ang naniniwala na delikadong maghayag ng kahit anong kritikal sa gobyerno.

Saad ni Presidential spokesperson Harry Roque, posibleng ang nangyaring ABS-CBN franchise hearing, kung saan tuluyang napagkaitan ng prangkisa ang network, ang isa sa dahilan kung bakit ganoon ang resulta ng SWS poll.

“Information and news dominating the traditional and social media are therefore about the congressional hearings on the broadcast franchise application of the network,” ayon kay Roque.

“Be that as it may, the Duterte Administration continues to respect the freedom of the speech and the freedom of the press in the country,” aniya pa.

July 3 hanggang 6 isinagawa ang nasabing survey, kung saan noong July 10 naman binasura ng House panel ang franchise renewal ng Kapamilya network.

Depensan naman ni Roque, sa ngayon ay wala pang isinasampang libel case ang Pangulo sa kahit sinong oposisyon ng administrasyon.

“Media remains alert and vibrant in their reportage of the government and the actions of officials,” lahad ni Roque.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-press-freedom-nirerespeto-ng-duterte-admin/)

Walang komento