Recent Posts

Breaking News

Palasyo malamig sa payong kasuhan ang mga pasimuno ng RevGov

Tablado sa Malacañang ang mungkahing kasuhan ang mga personalidad na nagsusulong ng revolutionary government.

Kasunod ito ng mungkahi ni Senador Joel Villanueva na sampahan ng inciting to sedition sa korte ang grupo nina dating Makati Vice-Mayor Joey Brillantes na nasa likod ng revolutionary government.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang nakikitang banta sa gobyerno at sa bansa ang pagsusulong ng revolutionary government at bahagi aniya ito ng karapatang maghayag ng isang indibidwal o grupo.

“Protected speech po iyan because there is no clear and present danger arising from their expressions,” ani Roque.

Subalit nilinaw ng kalihim na hindi polisiya ng gobyerno na magsulong ng RevGov.

Wala namang balak ang Palasyo na pigilan o pagsabihan ang grupo ni Brillanes na manahimik at huwag isabay sa problema ng COVID pandemic ang kanilang sinusulong na adhikain.

The post Palasyo malamig sa payong kasuhan ang mga pasimuno ng RevGov first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-malamig-sa-payong-kasuhan-ang-mga-pasimuno-ng-revgov/)

Walang komento