Recent Posts

Breaking News

Palasyo dumistansiya sa pagtalaga ng Army kay Robin

Hands-off ang Malacañang sa naging aksiyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kunin ang serbisyo ni actor Robin Padilla.

Ito ay matapos hirangin si Padilla para pangunahan ang Strategic Communication Committee ng Philippine Army Multi-Sectoral Advisory Board na umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga mga netizen.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hahayaan na ng Palasyo ang AFP o Department of National Defense (DND) na sumagot sa mga kuwestiyon ng madla patungkol sa inatas na tungkulin kay Padilla.

“Ipinauubaya ko na po yan sa AFP o DND dahil alam naman nila ang kanilang pangangailangan,” ani Roque.

Pero naniniwala ang kalihim na bentahe ang pagiging aktor o showbiz personality ni Padilla dahil popular ito at makakahatak ng mga tao para pakinggan ang mga programa ng Hukbong Sandatahan.

Mayorya sa mga netizen ay negatibo ang reaksiyon sa magiging papel ni Padilla sa StratCom commitee ng Army, at kinukuwestiyon ang kuwalipikasyon nito.

The post Palasyo dumistansiya sa pagtalaga ng Army kay Robin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-dumistansiya-sa-pagtalaga-ng-army-kay-robin/)

Walang komento