Recent Posts

Breaking News

Pagsuspinde sa 13 opisyal ‘di konektado sa corruption probe sa PhilHealth

Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang inisyung preventive suspension order ng Ombudsman sa ilang kasalukuyan at dati nilang opisyal ay walang koneksyon sa mga ginagawang imbestigasyon sa alegasyong korapsyon sa ahensiya.

“We wish to clarify that the preventive suspension orders recently issued by the Ombudsman to some of its current and former officers is not in any way connected with the ongoing hearings in both houses of Congress regarding the above-mentioned alleged corruption,” pahayag ng PhilHealth.

Kamakailan nang iutos ng Ombudsman ang anim na buwang suspensiyon laban sa 13 senior PhilHealth official.

Ayon sa PhilHealth, nag-ugat ito sa inihaing reklamo na “grave misconduct, oppression and conduct prejudicial to the best interest of the service” ng ilang regional officer kaugnay sa mga administrative case na isinampa laban sa kanila sa pagitan ng 2017 hanggang 2019.

Sa kabila ng pagkasuspinde ng ilan nilang tauhan ay magpapatuloy umano ang mga pag-iimbestiga laban sa PhilHealth pati na pagbibigay nila ng health insurance benefit sa kanilang mga miyembro.

The post Pagsuspinde sa 13 opisyal ‘di konektado sa corruption probe sa PhilHealth first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagsuspinde-sa-13-opisyal-di-konektado-sa-corruption-probe-sa-philhealth/)

Walang komento