Recent Posts

Breaking News

Pagli-live in nina Song Hye Kyo, Hyun Bin usap-usapan online

Kalat sa social media ang balitang nagdi-date at magkasama sa iisang bahay sina Hyun Bin at Song Hye Kyo.

Dahil ito sa mga low-resolution IG post kung saan makikitang masayang naglalakad sina Hyun Bin at Hye Kyo kaya naman kinilig ang mga netizen sa posibilidad ng pagbabalikan ng dalawa, ayon sa ulat ng Today Online.

Bago nito, dalawang taon naging magkarelasyon sina Hyun Bin at Song Hye Kyo matapos nilang magsama sa “Worlds Within” TV show noong 2008.

Kapwa naman pinabulaanan ng kampo nina Kyo at Hyun Bin ang dating rumours.

Tinawag nila itong “false” news at inakusahan ang media ng pag-imbento ng istorya.

“This is not the first time that Chinese media outlets have released random and unfounded news articles. These media outlets often make up things in their own imagination,” pahayag ng kampo ni Hye Kyo.

“The dating rumors that have been spreading in China are false,” sabi naman ng agency ni Hyun Bin.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagli-live-in-nina-song-hye-kyo-hyun-bin-usap-usapan-online/)

Walang komento