Recent Posts

Breaking News

Paging PhilHealth! P101B ginastos ng mga senior citizen para sa ospital, gamot – PSA

Bilyones ang tinatayang ginastos ng mga senior citizen para sa kanilang mga pagpapaospital at gamot taong 2018, ayon sa datos na kinalap ng Philippine Statistics Authority.

Batay sa nilabas na 2018 health expenditure of vulnerable population segment ng PSA, makikita na aabot sa 60 percent ang ginastos mula mismo sa sariling bulsa ng mga lolo’t lola para sa kanilang kalusugan.

Nakita ng Philippine National Health Accounts (PNHA) na sa P171.5 billion na binuhos ng mga senior citizen para sa health expenditure, P101.2 billion dito ay galing mismo sa mga pamilya nila.

Ibig sabihin, 40-percent lamang ang naitulong ng mga health insurer, kasama na dito ang PhilHealth.

Ayon sa PSA, P32.5 billion lamang ang nanggaling mula sa PhilHealth, habang ang iba ay galing sa mga private medical insurance at ‘domestic revenue-based or central government scheme’.

Sa ngayon ay nahaharap ang PhilHealth sa imbestigasyon dahil sa umano’y talamak na korapsyon sa ahensya, kasama dito ang mga overpriced na gamit at paglalabas ng pondo sa ilang ospital mula sa interim reimbursement mechanism kahit pa hindi ito pasok sa kondisyon tulad ng mga nakatanggap na dialysis center at maternity clinic.

The post Paging PhilHealth! P101B ginastos ng mga senior citizen para sa ospital, gamot - PSA first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paging-philhealth-p101b-ginastos-ng-mga-senior-citizen-para-sa-ospital-gamot-psa/)

Walang komento