Recent Posts

Breaking News

Pagiging makabayan ni Ninoy tularan – Duterte

Sa panahon ng pandemya, dapat tularan ng mga Pilipino ang “katapangan at pagkamakabayan” ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, na ginugunita ng bansa ang 37th death anniversary ni Ninoy.

“As this important occasion is remembered during this time that we are facing a global public health crisis, may we emulate Ninoy’s courage and patriotism so we may all be heroes through acts of discipline, goodwill, and social responsibility,” sabi ng Pangulo, Agosto 21, 2020.

“I call on everyone to cooperate and work with the government so that we may keep ourselves, our families and our communities safe. May we also generously share our resources to those who have less in life during these trying times,” aniya pa.

Si Aquino ang mukha ng oposisyon sa panahon ni diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos. Naging bilanggong pulitikal ito pero hinayaang magpagamot sa Amerika noong 1980 matapos atakihin sa puso.

Tinambangan si Ninoy sa Manila International Airport, nang bumalik siya sa bansa noong Agosto 21, 1983.

The post Pagiging makabayan ni Ninoy tularan - Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagiging-makabayan-ni-ninoy-tularan-duterte/)

Walang komento