Recent Posts

Breaking News

Pacquiao nagsalita na sa laban kay McGregor

Wala pang linaw kung matutuloy ang laban ni Senador Manny Pacquiao kay UFC star Conor McGregor.

“Wala pang pinag-usapan kasi talagang nakapokus tayo ngayon paano natin matulungan mga kababayan,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ng DObole sa GMA News TV.

“Maraming nagugutom kaya hangga’t may panahon na pwede tulong ginagawa natin yan, di kailangan ipa-media ang mga tulong natin,” sambit pa nito.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang post ni McGregor sa kanyang Twitter na nagsasabing ‘tinanggap’ umano nito ang alok na laban sa pagitan nila ng Pambansang Kamo.

Umugong ang potensiyal na Pacquiao-McGregor fight matapos lumagda ang welterweight champion sa Paradigm Sports Management noong Pebrero na kumakatawan din kay McGregor.

Nauna nang sinabi ni Arnold Vegafria na may posibilidad na matuloy ang laban dahil ito ng huling bahago ng boxing career ng senador.

Huling lumaban ang 41-anyos na si Pacquiao noong Hulyo 2019 kung saan tinalo ni si Keith Thurman at angkinin ang WBA Super Welterwight title.

“May plano pa lang na pag-uusapan,” ayon kay Pacquiao.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-nagsalita-na-sa-laban-kay-mcgregor/)

Walang komento