Recent Posts

Breaking News

P5B ibubuhos sa mga bagong contact tracer – DILG

Simula Setyembre ay magdadagdag ng abot a 50,000 contact tracer ang Department of Interior and Local Government sa oras na mailabas na ang P5 bilyong pondo para dito.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, kanila na lang hinihintay ang pondo na nakasaad sa Bayanihan to Recover as One Act sa oras na maratipikahan na ito ng Kongreso.

“‘Pag ito ay na-release na ng DBM (Department of Budget and Management) sa amin ay maglalabas na kami ng qualifications for contact tracers,” ayon kay Malaya sa panayam sa dzBB, kung saan Setyembre ang tinitingnan nilang timeline para makapagsimula nang mapaigting ang contract tracing efforts ng bansa.

Sa ngayon ay nasa 85,000 ang contact tracer sa bansa, at makakamit ang 135,000 goal kapag dumating na ang pondo para dito.

Aniya pa, ang dagdag na 50,000 contact tracer ay base rin sa rekumendasyon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

“It is contact tracing that will cut the transmission,” saad pa ni Malaya.

The post P5B ibubuhos sa mga bagong contact tracer - DILG first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p5b-ibubuhos-sa-mga-bagong-contact-tracer-dilg/)

Walang komento