Recent Posts

Breaking News

P4.5T panukalang 2021 nat’l budget hihimayin ng Senado

Kumpiyansa si Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na maipapasa nila ang isang ‘well-crafted’ national budget para sa taong 2021 bago magtapos ang 2020.

“We will meet the deadline of a well-crafted budget ready for the President’s signature long before the year ends,” pahayag ni Angara sa isang statement.

Hindi rin aniya magiging sagabal ang pandemya sa pagbubusisi nila sa panukalang national budget.

“Recent Senate hearings have shown that distance has only made the questioning from senators more detailed. Zoom has allowed them to zoom in on the small details,”ani Angara.

“We will be thorough in our review for that has always been the Senate way. We will not sacrifice scrutiny for speed,” dagdag pa nito.

Dahil ang lahat ng pondo na panlaban sa pandmeya ay magmumula sa spending bill, sinabi ni Angara na isang hamon ito sa Kongreso natiyaking ang ipapasang pambasang pondo ay makakatulong sa maysakit, sa healty system at sa pagbangon ng ekonomiya.

“There is only one major macroeconomic assumption that underpins next year’s expenditures and that is COVID-19. It will dictate the thrust and content of the 2021 budget. It is through this prism that we will view the budget,’ ani Angara.

“It should be a fighting budget not a business-as-usual one,” dagdag pa nito.

Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) noong Huwebes sa Senado ang panukalang P4.506-trillion national budget para sa 2021.

Mas mataaas ito ng 9.9 porsiyento sa 2020 budget.

The post P4.5T panukalang 2021 nat'l budget hihimayin ng Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p4-5t-panukalang-2021-natl-budget-hihimayin-ng-senado/)

Walang komento