Recent Posts

Breaking News

P35M para sa hotel stay? NYC’s Enriquez, Cardema dapat mag-resign – Akbayan Youth

Apat lang sa 12 tinakdang aktibidad ng National Youth Commission (NYC) ang nakumpleto noong 2019, kahit pa 90 porsiyento ng pondo ang nilabas ng ahensiya.

May isang beses pa na P1.3 milyon ang nagastos sa isang araw, para malunsad ang Fit Filipino Youth Against Drugs (FYAD) project na isa sa mga pangunahing programa ng komisyon.

Bukod dito, halos P35 milyon ang ginastos para sa mga 5-star hotel kung saan ginanap ang mga event ng NYC noong nakaraang taon.

Ilan lang ito sa mga nakasaad sa Commission on Audit (COA) report, kaya naman nanggigil ang Akbayan Youth at giniit na dapat nang umalis sa puwesto si NYC chairperson Ryan Enriquez.

Dawit din si NYC commissioner Ronald Cardema, 34 anyos, sa pinare-resign ng grupo.

“It’s an outrageous contrast. Almost P35 million were spent on 5-star hotels for NYC events while youth unemployment is twice the national rate in 2019. The NYC headed by Ryan Enriquez spoiled themselves with funds meant for youth development while millions of young people are living in poverty,” ani Akbayan Youth Chairperson Dr. RJ Naguit.

“The audit report says that the agency failed in its anti-drugs program. This is laughable as an agency that obsessed so much about the President’s War on Drugs. The NYC’s hopeless incompetence waste so much of government funds for the youth.”

“The National Youth Commission needs a total overhaul starting with the removal of Ryan Enriquez and Ronald Cardema. This excessive spending is symptomatic of a rotten system within the NYC where programs aren’t geared towards the development of young people but only towards pleasing President Duterte,” aniya pa.

The post P35M para sa hotel stay? NYC's Enriquez, Cardema dapat mag-resign - Akbayan Youth first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p35m-para-sa-hotel-stay-nycs-enriquez-cardema-dapat-mag-resign-akbayan-youth/)

Walang komento