Recent Posts

Breaking News

P2M multa, kulong sa magbebenta ng overpriced face shield – DTI

Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na sinumang magbebenta ng mga non-medical face shield na hindi nakasunod sa P26 hanggang P50 suggested retail price (SRP) ay maaaring magmulta ng hanggang P2 milyon.

“Ang penalty doon — this is covered kasi by the Price Act dahil declared ng DOH na basic commodity siya or essential good — P2 million ang maximum, P5,000 minimum,” wika ni DTI Undersecretary Ruth Castelo sa panayam sa Unang Hirit.

Maliban sa multa ay may kaakibat din aniyang pagkakakulong na lima hanggang 15 taon ang mga mahuhuli sa overpriced face shield dahil sa profiteering.

Pero ani Castelo, maaaring maibenta ng P500 o lagpas sa SRP ang mga heavy duty face shield, na gawa rin sa iba pang mga materyal gaya ng acrylic cover at rubber strap.

Simula Agosto 15, mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa mga public transportation at workplace.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p2m-multa-kulong-sa-magbebenta-ng-overpriced-face-shield-dti/)

Walang komento