Recent Posts

Breaking News

P2.4B tinabi para sa COVID bakuna – DOH

Naghanda na ng pondo ang gobyerno para sa oras na maging available na ang bakuna para sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

“Nag-prepare na kami ng budget, and part of that budget yung sa 2021. Nag-allocate kami ng P2.4 billion for COVID-19 vaccines,” saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“But of course, ‘pag lumabas na ang presyo n’yan and how much we can be able to procure. Madadagdagan pa naman yan. But that’s the initial na sinet-aside natin for next year’s budget,” aniya pa.

Matatandaan na unang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na target na mabigyan ng libreng bakuna ang 20 hanggang 40 milyong Pinoy.

Ayon kay Vergeire, naghahanda na ang DOH kasama ang Department of Science and Technology, Department of Foreign Affairs, at Department of Finance para sa pagbili ng bakuna.

“Basta, may set aside tayo na money, we know this can be augmented kung saka-sakali, pag dating ng time na meron tayong exact na numbers,” lahad ng health official.

Sa ngayon ay ilang bansa na ang nangakong gagawing prayoridad ang Pilipinas para sa bakuna, kasama dito ang China at Russia.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p2-4b-tinabi-para-sa-covid-bakuna-doh/)

Walang komento