Recent Posts

Breaking News

P1.9B USAID project para sa mga batang Pinoy

Isang bagong proyekto ang inilunsad ng pamahalaan ng Amerika, sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID), para suportahan ang mga pangangailangan sa edukasyon, trabaho at kabuhayan ng nasa 180,000 out-of-school youth sa Pilipinas.

Base sa pahayag ng US Embassy Public Information Office nitong Miyerkoles, Agosto 19, sa pamamagitan ng P1.9 bilyon ($37.5 milyon) “Opportnity 2.0: Second-chance Opportunities for Out-of-school Youth project” ay makikipagtulungan ang gobyerno ng Amerika sa Department of Education (DepEd) at sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang mapalakas pa ang mga programa nito sa kasalukuyan na pagbibigay ng edukasyon, employability skills, at work experience.

Kabilang din umano rito ang Alternative Learning System (ALS) ng DepEd at ang skills training program ng TESDA.

Nabatid na inilunsad ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang nasabing programa kasama sina DepEd Secretary Leonor Briones at TESDA Director General Isidro LapeƱa sa isang virtual event na dinaluhan din ng 500 participant mula sa iba’t ibang parte ng bansa.

Gagawing partner ng USAID ang mga pamahalaang lokal mula sa 12 siyudad sa bansa para sa pagtatatag ng Youth Development Alliances upang matulungan ang mga out-of-school youth.

Bukod sa mga pamahalaang lokal, kukunin ding partner ng nasabing programa ang mahigit 2,200 employer at 50 education o training institution sa bansa.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p1-9b-usaid-project-para-sa-mga-batang-pinoy/)

Walang komento