Recent Posts

Breaking News

Overseas deployment ng mga health worker pinatigil na

Pansamantalang sinuspinde ng pambansang gobyerno ang pagpapadala ng mga Pinoy healthcare worker sa ibang bansa.

Nakasaad ito sa IATF Resolution No. 64, na may petsang Agosto 17, 2020, alinsunod sa POEA Governing Board Resolution No. 09, at bilang pagsasaalang-alang sa nagpapatuloy na State of Public Health Emergency sa bansa dulot ng coronavirus pandemic.

Sa halip, hinihikayat ang Department of Health (DOH) at ang lahat ng mga pampublikong ospital na i-hire ang mga apektadong medical frontliner.

“Considering the continuing State of Public Health Emergency, the overseas deployment of the medical and allied health workers is hereby temporarily suspended,” ayon sa naunang resolusyon.

“For this purpose, the DOH and all hospitals and healthcare facilities of local government units and entities are enjoined to hire these medical and allied health workers to supplement their current workforce,” dagdag pa.

Ang resolusyon ay pirmado nina IATF Chairperson at DOH Secretary Francisco Duque III at Cabinet Secretary Karlo Nograles.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/overseas-deployment-ng-mga-health-worker-pinatigil-na/)

Walang komento