Recent Posts

Breaking News

Oscar De La Hoya gustong manapak

Matapos ang 12 taong pahinga, magbabalik sa boxing ring si Oscar De La Hoya.

Sa edad na 47, gusto pa rin nito ipakita sa lahat ni Oscar kung bakit siya tinaguriang ‘Golden Boy’.

Sa naging karera nito, nakapag-uwi si De La Hoya ng ginto para sa United States noong 1992 Olympics.

Kilala rin si De La Hoya na isa sa pinakamahuhusay na boksingero hanggang sa ngayon.

Hindi estranghero sa mga Pinoy si De La Hoya, nagkaharap sila sa ring ni Senator Manny “Pacman” Pacquiao. Tinawag pa nga ito na “The Dream Match”.

Hindi maging maganda ang resulta nito para kay De La Hoya, bagsak sa 8th round si Golden Boy.

Ilang buwan matapos ang laban nito kay Pacman, inanunsyo na nito ang kanyang pagreretiro.

Sa pagbabalik ni Golden Boy sa ring, dala nito ang dedikasyon sa sport na hindi lahat ng boksingero ay mayroon sa ngayon aniya.

Sa kung sino ang gusto nitong makalaban, “any top guy, any top guy out there”, hirit ni De La Hoya.

The post Oscar De La Hoya gustong manapak first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/oscar-de-la-hoya-gustong-manapak4/)

Walang komento