Recent Posts

Breaking News

Oras sa pamilya sinusulit ni Gabe

Habang hirap ang marami sa pagresolba sa psychological at mental problem ay solb naman at kampante ang Gilas Pilipinas veteran at Rain Or Shine member na si Gabe Norwood sa nagaganap na situwasyon sa bansa dahil sa tulong ng kanyang tatlong anak at asawa.

Sinabi mismo ng 35-anyos na Fil-Am na mas na-enjoy nito ang nakalipas na tatlong buwan na pahinga habang kalaro ang kanyang mga anak na nagpapanatili din dito sa kundisyon sa pagiging aktibo sa gawain at pagsasanay.

“Just staying indoors and doing all that I can to take care of my boys and my wife,” sabi nito.

“”Having three young boys, three young kids is a workout in itself, so I like to think that I’m getting my cardio just chasing them around the house.”

Ikinatuwa naman ni Norwood ang paunti-unting pagbabalik ensayo ng kabuuang 12 koponan kabilang ang Rain or Shine Elasto Painters matapos na payagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Umaasa ito na mas madali nitong maabot ang kompetitibong kondisyon dahil na rin sa madalas na pakikipaglaro sa kanyang tatlong malilikot at aktibong anak.

The post Oras sa pamilya sinusulit ni Gabe first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/oras-sa-pamilya-sinusulit-ni-gabe/)

Walang komento