Recent Posts

Breaking News

Onti nag-enroll, 440 private school tigil-operasyon

Pansamantalang magsasara ang higit 400 na pribadong paaralan sa susunod na school year dahil sa kawalan ng mga estudyante.

Ayon sa datos mula sa Department of Education, sa 14,435 private school sa bansa, 440 paaralan na ang nagpahayag na hindi sila magbubukas para sa school year 2020-2021.

Pinalagay ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo, Lunes, na ang tigil-operasyon ay dahil sa mababang bilang ng mga nag-enroll sa mga paaralang ito.

Pinakamaraming nagsarang pribadong eskuwelahan sa Central Luzon sa bilang na 88, na sinundan ng Calabarzon sa 67, at National Capital Region sa 54.

Hindi pa nagsusumite ng datos ang Bangsamoro region sa mga tigil-operasyon nilang private school.

Nauna nang sinabi ng DepEd na ang kaunting dami ng nag-enroll sa private school ay dahil sa hagupit ng COVID-19 crisis sa sahod ng mga kabahayan.

Ayon sa datos ng DepEd hanggang nitong Agosto 24, 1.7 milyong mag-aaral na ang nag-enroll sa mga pribadong paaralan.

Katumbas ito ng 41.47 percent o wala pang kalahati ng kabuuang bilang ng mga private school student noong nakaraang taon o 4.3 milyon.

Samantala, pumalo na ang bilang ng mga private school student na lumipat sa public school sa 398,010.

The post Onti nag-enroll, 440 private school tigil-operasyon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/onti-nag-enroll-440-private-school-tigil-operasyon/)

Walang komento