Recent Posts

Breaking News

Online scam dumarami ngayong pandemya – NBI

Huwag ibibigay sa sinuman ang iyong bank account password at mga one-time PIN.

Ito ang paalala ng National Bureau of Investigation, gayong papataas umano ang dami ng reklamo tungkol sa mga online scam habang may coronavirus pandemic.

Hindi naman nagbigay ng datos ang NBI hinggil sa online scam complaints.

“Wag natin ipo-provide ang one-time PIN kahit sino ang humingi dahil hindi kailangan yan. For example, DSWD, hindi hihingin yan. Ang bangko rin, hindi hihingin dahil sila ang nag-provide niyan,” wika sa ABS-CBN’s Teleradyo ni NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo, Linggo.

Kailangan aniyang maging alisto ang madla sa mga red flag ng mga online scammer, gaya ng pagmamadali ng seller at pangungulit na magbayad in advance.

“Ang key kasi dito is public awareness. Mag-ingat tayo sa online transactions natin. ‘Wag tayo masyadong ma-excite sa transactions. Pag-isipan, mag-pause at tingnan ang tell-tale signs at red flags sa transactions natin,” babala pa ni Lorenzo.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/online-scam-dumarami-ngayong-pandemya-nbi/)

Walang komento