Recent Posts

Breaking News

Obiena bokya sa Kusocinski

Matapos makasampa sa podium finish sa ilang mga nakalipas na torneo, nangitlog si 2021 Tokyo Olympics-bound pole-vaulter EJ Obiena sa Janusz Kusocinski Memorial Tournament sa Chorzow, Poland nitong Miyerkoles.

Nakapagtala lang si Obiena ng 5.62 meters para sa malagak sa three-way tie sa fifth place kasama sina Germans Raphael Holzdeppe at Torben Blech.

Bumida si American pole vaulter Sam Kendricks na may 5.8m upang mauiwi ang gold medal, Dutch Menno Vloon na naka-5.72m para sa silver at Holzdeppe na nag-bronze.

Kakabagahe lang ni Obiena ng silver sa 13th Trivento International Meeting sa Italy at sa Who is the Finest Pole Vaulter in the World virtual competition habang bronze naman sa 2020 Monaco Diamond League. (Janiel Abby Toralba)

The post Obiena bokya sa Kusocinski first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/obiena-bokya-sa-kusocinski/)

Walang komento