Recent Posts

Breaking News

Nurse na nagpaanak ng pulubi sa kalye: May sinumpaan kaming tungkulin

Nakilala na ang isang nurse na kahit late na sa trabaho ay tinulungang manganak ang isang homeless sa Barangay Bangkal, Makati.

Ibinahagi ng Bangkal Emergency Response Team ang mga larawan ng nurse, na napadaan lang sa lugar, noong Martes ng umaga kung kailan nangyari ang panganganak ng homeless.

Wika ni nurse Lorraine Pingol, sa isang ulat, “There’s no other person to help them kundi ako…Saka nurse din naman ako. May sinumpaan kami.”

Inamin ni Pingol, 29, na ilang taon na siyang hindi nakakatulong sa pagsilang ng sanggol.

Sa ngayon, nagtatrabaho siya bilang nurse sa isang health maintenance organization (HMO). Hindi siya pwedeng magsilbi sa isang ospital dahil sa leukemia, pero nasa remission na siya.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nurse-na-nagpaanak-ng-pulubi-sa-kalye-may-sinumpaan-kaming-tungkulin/)

Walang komento