Recent Posts

Breaking News

NU star Tamayo, Abadiano, pinirata ng UP

Malaking isda ang nabingwit ng University of the Philippines matapos masungkit mula National University sina Carl Tamayo at Gerry Abadiano.

“Carl and Gerry will be a big part of our rebuilding efforts,” pagkumpirma ni UP team manager Agaton Uvero.

“These two talents will help us secure our basketball future. We hope they will be model student-athletes of UP.”

Ang dalawang manlalaro ay nagsanib para mabigyan ng dalawang dikit na kampeonato ang NU-Nazareth School sa UAAP juniors division.

Bukod pa dito, nakasama din ang dalawa sa Batang Gilas para sa 2019 Fiba Under-19 World Cup sa Greece.

Dahil dito’y instant contender ang UP Maroons sa susunod na season, kung saan makakasama nila ang tatlong superstar ng koponan na sina RIcci Rivero, Kobe Paras at Bright Akhuetie.

Maganda rin ang future ng UP sa nakatakdang pagbabalik ng magkapatid nina Javi at Juan Gomez de Liano sa UAAP Season 84, gayundin ang ilan pang na-recruit tulad nina Malick Diouf mula CEU, Fil-Aussie big man Ethan Kirkness, at University of Visayas star Jancork Cabahug.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nu-star-tamayo-abadiano-pinirata-ng-up/)

Walang komento