Recent Posts

Breaking News

NU center Quiambao sinilat ng La Salle

Biyaheng Taft na ang isa pang star player ng National University-Nazareth High School matapos mawala din sa naturang eskuwelahan sina Carl Tamayo at Gerry Abadiano.

Nasungkit ng De La Salle University ang 6-foot-8 big man na si Kevin Quimbao, na isa sa primyadong high school baller sa bansa.

Sa kanyang huling season sa NU, nag-average ng near double-double si Quiambao tangan ang 12.6 points, 9.7 rebounds at 1.4 blocks kada laro.

Isa rin ito sa naging instrumento sa back-to-back championship ng NU-Nazareth kung saan busilak na 16-0 record ang kanilang nilista sa UAAP Season 82.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nu-center-quiambao-sinilat-ng-la-salle/)

Walang komento