Recent Posts

Breaking News

NCR mayors GCQ pa rin ang gusto

Nagkaisa ang mga alkalde ng 16 lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region (NCR) sa panawagang ituloy ang general community quarantine (GCQ) sa rehiyon.

Sabi ni Metro Manila Council head at ParaƱaque Mayor Edwin Olivarez, Lunes, nirekomenda ng 17 alkalde sa COVID-19 task force ang pagpapatupad ng GCQ sa Metro Manila mula Setyembre 1 hanggang 15.

Ipepresenta naman ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasiyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte, na siyang magdedeklara ng quarantine status ng rehiyon at iba pang lugar sa bansa. Nakatakdang magmensahe sa bayan ang Pangulo ngayong Lunes ng gabi.

Bukod dito, ani Olivarez, gusto rin ng mga alkalde na paikliin ang curfew mula sa kasalukuyang 8PM-5AM patungong 10PM-5AM para unti-unting buhayin ang ekonomiya nang hindi kinokompromiso ang healthcare sa kani-kanilang nasasakupan.

Magpapatuloy naman aniya ang mga mayor sa pagbuo ng mga isolation facility, at pagpapatupad ng localized lockdown kung kinakailangan.

Sa 217,396 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 55 porsiyento o 120,000 kaso ang mula sa NCR.

The post NCR mayors GCQ pa rin ang gusto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-mayors-gcq-pa-rin-ang-gusto/)

Walang komento