Recent Posts

Breaking News

Natitirang termino ni Duterte ilalaan vs. korapsyon sa PhilHealth

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na maipakulong at maparusahan ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nagsamantala sa pondo ng ahensiya.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na uubusuin niya ang natitirang panahon aa kanyang termino para maipakulong ang corrupt officials ng PhilHealth .

“One of the few things that I can do in the remaining two years of my term, uubusin ko ito yung panahon ko to work on the cases for people who are involved in the PhilHealth,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na batid niya ang sentimyento ng mga tao sa nabunyag na kontrobersiya sa PhilHealth kaya sisiguraduhin niya na walang makakalusot sa mga nagsamantala sa pera ng ahensiya.

Inatasan ng Pangulo ang PhilHealth na i-publish sa mga pahayagan ang mga transaksiyong gagawin sa mga susunod na araw, gaya ng pagbili ng mga supply at idetalye ang mga ito para alam ng mga tao.

“Maski paperclip i-publish nyo at kung sino yung bidder na magsu-supply ng paperclip, maski isa. Isabi mo diyan sa newspaper para mabasa. More measures will come,” dagdag ng Pangulo.

Iniulat ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay Pangulong Duterte ang mga development sa imbestigasyon ng Task Force sa kontrobersiya sa Phihealth, kasama na rito ang naging aksiyon ng Ombudsman na pagsuspinde sa ilang Philhealt officials.

The post Natitirang termino ni Duterte ilalaan vs. korapsyon sa PhilHealth first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/natitirang-termino-ni-duterte-ilalaan-vs-korapsyon-sa-philhealth/)

Walang komento