Recent Posts

Breaking News

Nakakasuka sa baho! Alan Cayetano, 70 kongresista huwag iboto – Jaime Fabregas

Binanatan ng beteranong aktor na si Jaime Fabregas sina House Speaker Alan Peter Cayetano at 70 kongresista na dahilan ng pagkawala ng libo-libong trabaho dahil sa ABS-CBN shutdown.

Ayon sa aktor, hindi dapat kalimutan ang mga pangalan ng mga kongresista na nagsulong para ipasara ang ABS-CBN nang pagkaitan ito ng prangkisa sa House panel.

Partikular na tinukoy ni Fabregas sina Cayetano, at Deputy Speakers LRay Villafuerte, Rodante Marcoleta, Boying Remulla at Anakalusugan Rep. Mike Defensor.

“Isaulo na ang mga pangalan na yan at tuwing maaala ay isipin natin na tayo’y nasusuka sa baho. Huwag nang iboto ang mga yan!” giit ni Fabregas.

Bago pa mangyari ang tuluyang pagsasara ng ABS-CBN, nangako si Cayetano na bibigyan ng provisional franchise ang network ngunit hindi ito tinupad matapos maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission.

The post Nakakasuka sa baho! Alan Cayetano, 70 kongresista huwag iboto - Jaime Fabregas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nakakasuka-sa-baho-alan-cayetano-70-kongresista-huwag-iboto-jaime-fabregas/)

Walang komento