Recent Posts

Breaking News

Nagsusulong ng RevGov gustong sumipsip kay Duterte – Gatchalian

Hindi kumporme si Senador Sherwin Gatchalian sa mga nagsusulong ng revolutionary government dahil magreresulta lang aniya ito sa pagkawatak-watak ng mga Pilipino.

Paniwala ni Gatchalian, maaring gusto lang sumipsip ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) kay Presidente Rodrigo Duterte kaya pilit nila itong sinusulong.

“Ang initial reaction ko, tong grupo na ito ay gustong mapalapit sa ating Pangulo at gustong sumipsip sa ating Pangulo,” pahayag ng senador sa panayam sa One News PH.

“For example, bakit hindi ginawang ‘For The Filipino people’ ang pangalan nitong grupo ito, bakit ang ating Pangulo? But then again our President has already spoken through his Spokesperson and Legal Adviser and pinakamaganda dito makausap ang grupo na ito dahil hindi tama itong ginagawa nila sa ganitong panahon,” dagdag nito.

Ayon kay Gatchalian, ang pagkakaroon ng isang revolutionary government ay magreresulta lang ng pagkakahati-hati ng mga Pinoy.

“Ang aking nakikita dito ay mahahati tayo, from health crisis, pupunta tayo sa economic crisis, lalaki ang deficit and then political crisis dahil mag-a-away-away tayo at hindi ‘yun ang kailangan natin ngayon,” sabi ng senador.

Sa panahon ng krisis, hindi aniya ito ang nakikita niyang solusyon sa problema sa COVID-19 pandemic.

“We’re in the midst of a very deep and prolonged crisis, in fact itong crisis na nararanasan natin ngayon, hindi natin alam kung kelan matatapos ‘to. Una, kala natin ‘pag GCQ, patapos na ito, pababa na, huhupa na ang bilang ng virus sa atin pero hindi pa,” sabi ni Gatchalian.

“Ngayon, itong revolutionary government, magwawatak-watak tayo dito at nakikita ko kung itong konsepto na ito will take effect, idi-dissolve nito ang mga institutions natin tulad ng Senado, tulad ng Kongreso, even the judiciary, mawawala yung check and balance.”

“Magkakaroon tayo ng malalim na hidwaan or pagkawatak-watak sa ating lipunan na hindi natin kailangan ngayon. Ang kailangan natin ngayon ay magsama-sama against COVID,” sambit pa nito.

The post Nagsusulong ng RevGov gustong sumipsip kay Duterte - Gatchalian first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nagsusulong-ng-revgov-gustong-sumipsip-kay-duterte-gatchalian/)

Walang komento