Recent Posts

Breaking News

Nag-mutate na COVID namataan sa Pilipinas

Natuklasan na may mutated strain ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng sakit na COVID-19, sa bansa.

Sa SARS-CoV-2 bulletin number 1 ng Philippine Genome Center na nilabas noong Agosto 13, sinabing na-detect ang G614 strain, maging ang original D614 genotype, sa ilang sample ng positibong kaso mula sa Quezon City.

Sa mutation na ito, binabago ang posisyon ng amino acid mula sa D (aspartic acid) patungong G (glycine). Ibig sabihin, ang noo’y D614 ay nag-transform na bilang G614.

Gayunman, sinabi nila na hindi representative ng mutational landscape sa bansa ang kanilang nadiskubre sa QC.

“In the month of June, both the D614 as well as the G614 have been detected in a small sample of positive cases,” ayon sa PGC.

“Although this information confirms the presence of G614 in the Philippines, we note that all the samples tested were from Quezon City and may not represent the mutational landscape for the whole country,” dagdag nito.

Dagdag dito, wala pa mang patunay na mas nakahahawa ang mutation kaysa sa orihinal na strain, dapat anilang bantayan itong mutation para maintindihan kung paano mareresolba ang SARS-CoV-2.

“There is still no definitive evidence showing that carriers of the G614 variant are actually more transmissible than those with D614, and the mutation does not appear to substantially affect clinical outcomes as well,” ayon sa center.

“Nevertheless, considering the presently wide geographic spread of G614, continuous monitoring of the said mutation – and other frequently observed mutations for that matter – must be done in order to better understand the evolutionary trajectory of SARS-CoV-2 to inform containment, diagnostic, and therapeutic strategies,” sabi pa nito sa bulletin.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nag-mutate-na-covid-namataan-sa-pilipinas/)

Walang komento