Recent Posts

Breaking News

‘Naawa sa ABS-CBN workers kahit pumapel naman sa shutdown? ACT-CIS plastik’

Tila hindi epektibo ang pahayag ni ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran na nakisimpatiya ito sa mga mangagawang nawalan ng trabaho dahil sa ABS-CBN shutdown.

Sinabi ni Taduran na dapat i-hire ang maraming “kapatid natin sa hanapbuhay” na “desperado ngayong makahanap ng trabaho” sa panahon na nag-sign off na ang mga rehiyonal na istasyon ng broadcast giant.

Sambit naman ni ABS-CBN journalist Lynda Jumilla-Abalos, ang ironic na naglabas ng ganoong pahayag si Taduran kahit na ang kapwa nito ACT-CIS Rep. na si Eric Yap ay gumampan ng malaking papel sa tuluyang pagsasara ng Kapamilya network.

“Thank you, but it’s rather rich of you to say this when your fellow partylist representative – and, in effect, ACT-CIS partylist group itself – played a major role in the shutdown of #ABSCBN,” tweet niya.

Binansagan pa ng ibang netizen na “plastik” at “hypocrite” si Taduran at “hugas-kamay” ang nirerepresenta nitong partylist dahil taliwas ang pahayag nito sa nangyari sa franchise application ng kompanya.

The post 'Naawa sa ABS-CBN workers kahit pumapel naman sa shutdown? ACT-CIS plastik' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/naawa-sa-abs-cbn-workers-kahit-pumapel-naman-sa-shutdown-act-cis-plastik/)

Walang komento