Recent Posts

Breaking News

MRT3 health, safety protocol pinaalala uli para iwas COVID

Muling pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko hinggil sa mga health at safety protocol para sa mga commuter ngayong balik biyahe na ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine sa National Capital Region.

Ayon sa DOTr, mahigpit na ipinatutupad ang polisya na bawal sumakay sa MRT-3 ang mga walang face mask at face shield.

Base umano ito sa DOTr Memorandum Circular 2020-014 na inilabas noon pang Agosto 3, 2020.

Ipinaalala rin ng kagawaran na mahigpit na hindi pinapayagan ang pagsasalita at pagsagot ng tawag sa mobile phone habang nasa loob ng MRT-3 upang iwas hawa sa COVID-19.

Kasama rin sa ipatutupad ay ang pagsagot ng contact tracing form bago pumasok sa MRT-3 station.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mrt3-health-safety-protocol-pinaalala-uli-para-iwas-covid/)

Walang komento