Recent Posts

Breaking News

MRT3 balik-operasyon na bukas

Muling babiyahe ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT) 3 simula bukas, Agosto 19, 2020.

Pinaaalala ito ng pamunuan ng MRT-3 matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim muli sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).

“Ang unang tren ay babiyahe ng 5:30am mula sa North Avenue at Taft Avenue. Ang huling biyahe naman ng tren mula sa North Avenue (Southbound) ay 9:10pm at 10:11pm naman mula sa Taft Avenue station (Northbound),” ayon sa MRT-3.

Nasa 18 train sets umano ang inaasahang tatakbo bukas sa linya ng MRT-3, kabilang ang 16 CKD train sets at 2 Dalian train sets.

Required na rin ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pasahero ng MRT-3. Sinumang hindi nakasuot ng mga binanggit ay hindi papapasukin ng istasyon at pasasakayin ng tren.

“Ipinatutupad din ang one-meter social distancing sa loob ng istasyon at mga tren, pagbabawal sa pagsasalita at pagtawag sa anumang digital devices sa loob ng tren, masusing pagdi-disinfect ng mga istasyon at mga bagon at pagsagot ng contact tracing form ng mga pasahero,” batay pa sa anunsiyo ng tren.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mrt3-balik-operasyon-na-bukas/)

Walang komento