Recent Posts

Breaking News

‘Morales walang lusot sa PhilHealth scandal’

Hiling ni Senador Panfilo Lacson na gumaling na si outgoing Phiilippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) chief Ricardo Morales sa kanyang sakit, pero mahaharap pa rin ito sa usaping legal kaugnay ng papel sa diumano’y korapsyon sa ahensiya.

“I feel sorry for him hindi sa ano pa man, Cavalier ko siya o ano pa man pero dahil sa kalagayan niya, ang kaniyang kalusugan,” pahayag ni Lacson sa panayam sa radyo.

“I still wish him well, sana maka-recover siya sa cancer, though hindi maiaalis na baka may kaharapin siyang legal problems dahil sa ilalabas na committee report ni Senate President [Vicente] Sotto,” dagdag pa nito.

Ayon kay Lacson, ang mga dokumento at testimonya nakalap ng Senate Committee of the Whole ay magkakatugma kaya’y masasabing solido ang ilalabas nilang committee report kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth.

“Tama yan [solid ang committee report sa ebidensiya]. Masasabi namin kami particular ni SP dahil sa pumasok na document at testimony ng resource persons. Nagko-complement sila,” ani Lacson.

Matatandaan na ibinunyag ni Morales ang kanyang health condition habang nasa kasagsagan ng imbestigasyon ng Senado at Kamara sa diumano’y malawakang koraspyon sa ahensiya.

Si Morales ay may lymphoma at pinayuhan ng kanyang mga doktor na maghain ng leave of absence.

Matapos mag-file ng medical leave, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas makabubuting kay Morales na ibakante ang kanyang posisyon dahil sa kanyang unstable na health condition.

Inaasahang magsusumite si Morales, retired military general, ng kanyang resignation letter ngayong Miyerkoles.

The post 'Morales walang lusot sa PhilHealth scandal' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/morales-walang-lusot-sa-philhealth-scandal/)

Walang komento