Recent Posts

Breaking News

Morales kumpiyansang absuwelto sa PhilHealth korapsyon

Tiwala si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at chief executive officer Ricardo Morales na malilinis din siya sa mga alegasyon ng korapsyon sa ahensya.

“Yes I am confident that I will be cleared,” malinaw na pahayag ni Morales nang makapanayam sa telebisyon nitong Lunes.

“Mapapahiya pa nga ako baka makita nila bahay ko,” aniya pa.

Kasabay nito, sinabi ni Morales na isang pagkakataon na ito para malinis ang PhilHealth at mapabuti pa ang buhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Morales, gagastusan nila ng P136 bilyon ang pagtatatag ng Information System (IT) sa PhilHealth para maayos ang sistema nito.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/morales-kumpiyansang-absuwelto-sa-philhealth-korapsyon/)

Walang komento