Recent Posts

Breaking News

Morales: 1 taon ‘di sapat para masugpo katiwalian sa PhilHealth

Inihayag ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na hindi sapat ang isang taon niyang serbisyo para resolbahin ang problema sa katiwalian sa ahensiya.

“Fraud has always been with the system as it has always been in all similar health systems in the world. The problem is systemic and cannot be solved in one year and maybe not even three years,” pahayag ni Morales sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate committee of the whole sa alegasyon ng korapsiyon sa PhilHealth.

“I miscalculated the time required to get the IT system up and running. One year was not enough and the budget was inadequate for the job,” dagdag pa nito.

Paliwanag ng PhilHealth chief, naghain ng ‘leave of absence’ noong Lunes, hindi aniya sapat ang anti-internal mechanism ng ahensiya para tugunan ang ‘internal weakness’ ng PhilHealth.

Nauna nang sinabi ni Morales sa unang pagdinig na mahigit P10.2 bilyon ang nawala sa pandara noong 2019 at maaring madoble ito sa susunod na taon kung hindi masosolusyon ang problemang ito sa ahensiya.

Itinanggi rin nito na ‘coddler’ siya ng mga tiwaling opisyal sa PhilHealth.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/morales-1-taon-di-sapat-para-masugpo-katiwalian-sa-philhealth/)

Walang komento