Recent Posts

Breaking News

MMDA: Mga alkalde sa NCR okay sa MECQ o GCQ

Bukas ang mga alkalde ng National Capital Region (NCR) kung pananatilihin ang rehiyon sa modified enhanced community quarantine (MECQ) matapos ang Agosto 18, o isasailalim na sa mas maluwang na general community quarantine (GCQ).

Sabi ito ni MMDA general manager Jojo Garcia sa isang virtual press briefing.

“Kumbaga balanse, meaning kahit na ano man diyan (MECQ o GCQ), siyempre may pros and cons. ‘Yun yung hinihimay namin,” aniya pa.

Pero kung ang GCQ nga ang maging pasya ng pambansang gobyerno, gusto nila, yung “mas mahigpit na GCQ” o iyong unang beses na sinailalim sa GCQ ang Metro Manila.

“We will recommend na yung GCQ po ay yung kung ano ginawa natin nung July 1, ‘yung first GCQ, yung madaming restrictions,” wika ni Garcia, Lunes.

“Alam naman natin nangyari nung July 1: after a few days or after a few weeks, nagdagdag tayo ng mga pagbubukas. Of course we understand that, para sa ating ekonomiya. Pero kung tatanungin yung mga mayors talaga, tanggap namin kung magji-GCQ man, we want a stricter GCQ. Meaning, ano yung guidelines nung una, nung July 1, yun na lang muna,” dagdag niya.

Napag-usapan aniya sa pulong ng Metro Manila Council kahapon na tinutulak ng mga alkalde ang patuloy na pagpapatupad ng localized lockdown at ang “standard” curfew hours na magsisimula kada alas-otso ng gabi.

“Ang gusto talaga nila one for all, all for one, meaning isang [quarantine status] lang, hindi paiba-iba,” ayon pa sa MMDA official.

Ngayong Lunes inaasahang iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging susunod na quarantine status ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mmda-mga-alkalde-sa-ncr-okay-sa-mecq-o-gcq/)

Walang komento