Recent Posts

Breaking News

MMDA: Full-face visor helmet required na sa motorsiklo

May panibagong requirement ang gobyerno para sa mga driver at angkas ng motorsiklo sa mga GCQ area: ang full-face visor helmet.

“Pagdating naman sa helmet, may tinatawag silang full face-visor. ‘Yung plastic na visor na hanggang baba siya. Siguro ito ‘yung substitute,” sabi sa GMA Network’s Unang Hirit ni MMDA general manager Jojo Garcia ngayong Lunes.

“Kailangan na kailangan na naka-face mask tayo at naka-face shield pa. So kung plastic na face shield ang gagamitin sa motor, medyo delikado po ‘yan. Liliparin ‘yan unlike noong full-face visor.”

“Kailangan abot hanggang baba ang visor o shield ng helmet. Dapat isuot ito kasama ng mask sa buong biyahe,” dagdag niya.

The post MMDA: Full-face visor helmet required na sa motorsiklo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mmda-full-face-visor-helmet-required-na-sa-motorsiklo/)

Walang komento