Recent Posts

Breaking News

MLB ‘di aatras sa COVID-19

Naniniwala si Major League Baseball (MLB) commissioner Rob Manfred na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang 145th o 2020 season kahit na nadapuan na ang ilang players at staff members mula sa ilang mga koponan ng coronavirus disease.

Sa panayam ni Karl Ravech ng ESPN nitong Linggo (Manila time), ipinunto ni Manfred na walang rason para umatras kahit pa nagkaroon na ng 17 game postponement sa loob ng 10 araw.

“We are playing,” giit ni Manfred. “The players need to be better, but I am not a quitter in general and there is no reason to quit now. We have had to be fluid, but it is manageable.”

Ilan sa mga koponan na natamaan ng pandemya ay ang Miami Marlins, Philadelphia Phillies at St. Louis Cardinals.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mlb-di-aatras-sa-covid-19/)

Walang komento