Recent Posts

Breaking News

Mini shabu lab sa Subic sinalakay

SUBIC ZAMBALES -Pinangunahan ni Zambales Police Director P/Col Ponce Rogelio I. Peñones Jr. ang pinagsamang operatiba ng kapulisan ng Subic, PIU,ZPPO;2nd Zambales PMFC;RIU at PDEA Zambales sa pagsalakay sa pinaghihinalaang shabu lab na matatagpuan sa Sitio Agusuhin, Barangay Cawag Subic Zambales.

Ayon kay Peñones, ang nasabing establisyemento ay matagal na umanong minamanmanan ng mga kapulisan dahil sa kahina-hinalang galaw at aktibidades ng mga taong nakatira dito, kaya nang masiguro na ito ay isang laboratoryo sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot, agad na ikinasa ang Search Warrant upang legal na mapasok at makumpiska ang mga ito at mahuli ang mga taong namamahala.

Sa bisa ng Search Warrant Number 2020-13 na naayon sa paglabag sa RA9165 na ibinaba ni Hon. Executive Judge Roline Ginez-Jabalde ng RTC Branch 74 sa lungsod ng Olongapo, agad na sinalakay ang naturang lugar dakong alas-3:30 ng hapon noong Huwebes. (Agosto 20).

Nakumpiska mula dito ang ibat-ibang kemikal sa paggawa ng shabu at mga gamit pang laboratoryo.

Samantala, nasa pangangalaga na ng kapulisan ang isang suspek na natagpuan sa lugar na nakilalang si Joven Salvador; alyas “Venjo” ;36, walang asawa at namamahala sa nasabing lugar habang ang isang Mark Rae Q. Lapid, nasa wastong edad naman ay itinuturong nagmamay ari sa establisyemento.

The post Mini shabu lab sa Subic sinalakay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mini-shabu-lab-sa-subic-sinalakay/)

Walang komento