Recent Posts

Breaking News

Michele Gumabao karpintera na

Ipinamalas ni volleybelle Michele Gumabao ang kanyang kakaibang talent, pagiging malikhain at kasipagan nang maski gawaing panlalaki ay trinabaho nito.

Imbes kasi na magpokus lamang sa volleyball at sa pagmomodel ay inatupag din ng balibolista ang pagdikit ng vinyl tiles.

“First attempt sticking Vinyl floor planks. Was so happy with the outcome,” caption ni Creamline Cool Smasher star Gumabao sa pinasilip nitong IG Post.

Bukod sa pagkukumpuni ng sahig ay niretoke rin nito ang kanyang aparador nang takpan niya ito ng wallpaper.

“Original open shelves didn’t match the room anymore, didn’t want to throw them away so I wrapped them with wallpaper,” saad ng dalaga sa isa pa niyang project.

Ngayong may pandemya, bukod sa pagka-busy sa paghihilamos sa kasangkapan at gawaing bahay, kabilang sa pinagkaka-abalahan ng dating DLSU Lady spiker ang pagho-host sa ilang talkshow at pag-guest sa mga programa.

The post Michele Gumabao karpintera na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/michele-gumabao-karpintera-na/)

Walang komento