Recent Posts

Breaking News

Mga transaksiyon sa Tarlac gagawing online

Naghahanda na ang Tarlac City upang maging pinakaunang “smart city” sa buong Gitnang Luzon.

Nakipagtulungan ang Tarlac government sa private developer na Information Technology Business Solutions Corp. (ITBS) para magawa ang “Angel Portal Ecosystem Project”.

Hangad nitong magkaroon ng automatic at cashless transaction na nirerekomenda ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, mapabilis ang mga transaksiyon at makaiwas sa kumpulan ng mga customer.

Sa ilalim ng proyekto, magkakaroon ng database ang lungsod na naglalaman ng health records at civil registry. Makatutulong din ito sa pagmonitor ng trapiko at mga kalamidad.

Bibigyan din ng system ang mga residente ng medical self-assessment at reporting tool.

Samantala, sa pamamagitan ng payment portal ay makababayad na online ng business permit application, buwis, at government clearance.

Libre lang umanong binigay ng ITBS ang system para matulungan ang Tarlac na labanan ang pandemya.

The post Mga transaksiyon sa Tarlac gagawing online first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-transaksiyon-sa-tarlac-gagawing-online/)

Walang komento