Recent Posts

Breaking News

Mga taga-Beijing puwede nang walang face mask

Inalis na ng mga awtoridad sa Beijing, China ang requirement sa mga tao na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.

Kasunod ito ng 13 magkakasunod na araw na walang naitatalang bagong kaso sa Chinese capital, ayon sa ulat ng Channel News Asia.

Sa kabila nito’y hindi nagpakampante ang maraming residente sa Beijing at nagsuot pa rin ang iba ng face mask dahil pakiramdam daw nila ay ligtas sila sa pamamagitan noon.

Unang inalis ang pagpapatupad ng face mask ng Beijing’s municipal Centers for Disease Control noong Abril pero binawi kalaunan noong June matapos ang bagong COVID outbreak sa wholesale market.

Agosto 20 naitala ang 22 imported case sa mainland kaya isinara na ang kanilang mga border sa karamihan ng mga non-Chinese citizen.

The post Mga taga-Beijing puwede nang walang face mask first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-taga-beijing-puwede-nang-walang-face-mask/)

Walang komento