Recent Posts

Breaking News

Mga survivor ‘di ligtas: COVID reinfection kumpirmado sa US

Walang ligtas sa COVID-19 kahit pa gumaling na ang isang tao sa naturang sakit.

Ito’y matapos na kumpirmahin ng mga US researcher na isang 25-anyos na lalaki ang muling tinamaan ng coronavirus matapos itong makarekober sa pareho ring karamdaman.

Nakita ng grupo mula University of Nevada Reno School of Medicine at Nevada State Public Health Laboratory sa isinagawang genetic test na na-infect ang naturang pasyente ng dalawang magkaibang variety ng coronavirus.

Noong Abril ay tinamaan ang naturang pasyente ng COVID-19 matapos itong magkaroon ng ubo, sakit ng ulo, diarrhea at sore throat, ngunit gumaling din ito matapos magnegatibo sa virus ng dalawang beses.

Ngunit May 31 ay dumaing muli ang lalaki dahil sa lagnat, ubo diarrhea at pagkahilo, kung saan sinugod na ito sa ospital dahil kinailangan ng oxygen support.

Nang muling i-test ay kumpirmadong nagkaroon muli ng COVID-19 ang naturang survivor.

Sa ngayon ay ineeksamin na ng mga researcher ang coronavirus specimen mula sa lalaki, na base sa kanilang analysis ay nagkaroon ng magkaibang viral infection ang pasyente.

“After one recovers from COVID-19, we still do not know how much immunity is built up, how long it may last, or how well antibodies play a role in protection against a reinfection,” ayon kay Mark Pandori, director ng Nevada State Public Health Laboratory.

The post Mga survivor 'di ligtas: COVID reinfection kumpirmado sa US first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-survivor-di-ligtas-covid-reinfection-kumpirmado-sa-us/)

Walang komento