Recent Posts

Breaking News

Mga siniwalat ni CJ binutata ng Tigers

Ilang sandali pagkasiwalat ni former University of Santo Tomas Growling Tigers team captain Crispin John ‘CJ’ Cansino ang kanilang naging sitwasyon sa ‘training bubble’ sa Sorsogon, sinalungat naman ito ng mga kumalat din sa online Miyerkoles ng gabi.

Nilantad sa Twitter sa pamamagitan ng screenshot conversations ni Cansino ang group chat na kinabibilangan niya, mga player na kasama sa bubble at ilang mga magulang ng student-athlete..

Pagkain at pagkakasakit ng ilan ang mga himutok ng nina Cansino, Brent Paraiso, Rhenz Abando, Soulemane Chabi Yo, John Bismarck Lina at Ira Bataller.

Pero sa bagong serye na kumalat na mga larawansa online ng Growling Tigers fan page, umaapaw na iba’t ibang putahe sa hapag-kainan ang nilalantakan ng Growling Tigers at hindi puro baboy lang na giniit ni Cansino.

Ilan sa mga imahe na inihanda para sa Tigers ang isang boodle-style seafoods at Korean samgyupsal.

“In light of the allegations of poor food quality conditions in the UST “bubble” training, we received from an anonymous source alleged photos of meals shared by the team together in Sorsogon. We are just sharing these photos for information purposes only,” caption sa post.

The post Mga siniwalat ni CJ binutata ng Tigers first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-siniwalat-ni-cj-binutata-ng-tigers/)

Walang komento