Recent Posts

Breaking News

Mga PUV driver pwede tumanggi sa matanda, batang pasahero – DOTr

Sabi ng Department of Transportation (DOTr), ayos lang na tumanggi ang drayber ng public utility vehicle (PUV) sa mga senior citizen o edad 20 pababa na pasahero, sa mga general community quarantine (GCQ) area.

Labag kasi ito sa patakaran ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, maging ang hindi pagsusuot ng face shield sa pampublikong sasakyan.

“It is the policy of the IATF. They can politely refuse in the same manner that they can refuse passengers not wearing face shields,” ani DOTr spokesperson Goddes Hope Libiran sa isang ulat.

“Remember: Sila ang may responsibilidad sa kaligtasan at seguridad ng mga pasahero nila,” dagdag niya.

Pero may ilang sitwasyon aniya na pahihintulutan ang bata o matandang pasahero.

“When indispensable under their circumstances or if they are working for essential services. Halimbawa, kabataan na may schedule na magpa-checkup sa doktor ‘yung senior citizen mag-isa lang sa bahay, so wala talagang puwedeng gumawa para sa kanya, siyempre dapat payagan siyang siya ‘yung bumili,” wika ng tagapagsalita.

Nakasailalim sa GCQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang Agosto 31, 2020.

The post Mga PUV driver pwede tumanggi sa matanda, batang pasahero - DOTr first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-puv-driver-pwede-tumanggi-sa-matanda-batang-pasahero-dotr/)

Walang komento